Tatlong Taon

Bibitiw.
Kakapit.


Bibitiw.
Kakapit.

Isang letrang naging salita
Isang salitang naging pangungusap.

Sinulat.
Sinulat.
Tinuldukan,ngunit binura.
Sinulat.
Sinulat.
Pinagpatuloy ang istorya.


Bibitiw.
Kakapit.

Bibitiw.
Kakapit.

Dalawang pusong naglalakbay
Nawawala
Nagkatagpuan
Nagkabanggaan
Nagkasagutan
Nagkasisihan

Nahulog
Bumangon
Tumakbo papalayo
Umiwas
Umikot
Tumakbo papalayo.

Nagtago
Nahulog
bumalik sa umpisa
Nagtago
Nahulog
nagtapos sa simula

Bibitiw.
Kakapit.

Bibitiw.
Kakapit.

Kailangan tapusin,
hindi simulan
Simulan
Simulan
Sinubukang simulan.

Tinapos.
Tinuldukan.
Dinagdagan namang muli.
Sinara.
Iniwan.
Binalikan namang muli.

Bibitiw.
Kakapit.

Bibitiw.
Kakapit.

Pagod na
susuko na
mawawala na
maglalaho na

Iiyak
Magmumukmok
Kakatok sa pinto
Itataboy
Itatago
Hindi paaabutin sa dulo.

Bibitiw?
Kailangan bumitiw.
Kakapit?
Huwag ng ipilit.


Limang beses na pagbitiw,
Walang hanggan na pagkapit.

Isisigaw ang pagbitiw.
Ibubulong ang pagkapit.


Comments

Popular Posts